Totoy Bato Vol.07

Cast: Robin Padilla, Regine Velasquez, Manny Pacquiao, Eddie Garcia, Ara Mina, Charlie Davao, Ronnie Lazaro

Synopsis: Sa wakas ay tinanggap rin ni Totoy ang paanyaya ni Fredo na turuan siya ng boksing.

Bagama’t lubos siyang nahirapan sa bagong buhay bilang boksingero, pilit niya itong pag-aaralan alang-alang sa kaniyang pamilya.

Unti-unti niyang matutuklasan ang kaniyang likas na galing sa larong ito.

Naging magkasintahan na rin si Totoy at Anna.

Kahit alam nilang marami ang tututol sa kanilang relasyo’y minabuti nilang iparating ito sa malalapit sa kanilang buhay.

Lingid sa kanilang kaalaman, may bagong balak si Miguel na hindi pa rin sumusuko sa kaniyang kagustuhang mapasakaniya si Anna.

Gustuhin man ni Miguel na tuluyan nang mailigpit si Totoy, nakatagpo siya ng di inaasahang kalaban ang dati niyang kasanggang si Manuel.

Si Heather naman ay sumanib sa isang kulto upang maisagawa ang kaniyang balak na paghihiganti.

Sa kabila ng mga katunggali, narito naman si Trixie at Fredo na ngayo’y gagawin ang lahat mapalapit lamang kay Totoy.

Ano ang gagawin ng grupo ni Heather upang matupad ang kaniyang balak na paghihiganti?

Ano ang pakay ni Manuel kung kaya’t siya ang nangungunang tumututol na paslangin si Totoy?

Paano sisirain ni Miguel ang bagong sibol na relasyon ng dalawa?

Magtagumpay kaya si Totoy bilang isang bagong boksingero?

At ano ang malaking sakripisyong gagawin niya na magpapakita ng kaniyang tunay na pagmamahal kay Anna?

Watch trailer:

Buy Video here: Totoy Bato Vol.07 (Teleserye)

This entry was posted in DVD, Tagalog Movies, Teleserye and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>